Cupid's Trick


(July 2010)

College buddies sina Elise at Clint. Noon pa man ay may lihim nang pagtingin si Elise sa binata. Hindi nga lang niya magawang ipahalata iyon dito dahil hindi ito naniniwala sa pag-ibig. Pero ganoon na lang ang gulat niya nang sabihin nitong handa na itong sumubok sa larangan ng pag-ibig. At gusto pa nitong tulungan niya itong ligawan ang babaeng gusto nito! Hay, kung magbiro nga naman ang tadhana!

Para hindi na lang siya masaktan, pinili niyang umiwas na lang dito. Doon naputol ang ugnayan nila.


Ngayon, pagkalipas ng maraming taon ay bigla na lang itong sumulpot sa gabi ng birthday niya, telling her na ito ang secret admirer na nagpapadala sa kanya ng paborito niyang blue roses na may kasamang sweet quotes.


She realized he still had the same effect on her. Ito pa rin ang nagmamay-ari ng puso niya. Sa pagkakataong iyon, matutupad na kaya ang matagal na niyang pangarap na mahalin din siya nito?



Excerpt: 


CHAPTER 1

“MAGKANO ang kailangan kong ibayad sa'yo para layuan mo ang anak ko?” prangkang tanong sa kanya ni Donya Eclaire.

Marami nang nagsabi sa kanya na masungit at matapobre ang doña pero hindi niya inakalang wala itong originality. Her choice of words was proof of that. Para tuloy itong kontrabida sa isang pelikula at siya ang kaawa-awang bida—iyong tipong inaalipusta at madalas na iniiwanang luhaan. Pero duh, as if naman papayag siya.

Natatawa na siya sa mga naiisip niya kaya napakagat-labi na lang siya para pigilan ang kanyang tawa. 

Mukhang iba ang naging interpretasyon nito sa ginawa niya. Kunsabagay, ang pakilala ng fiancé niya sa kanya ay isang mahinhin at simpleng babae na bagaman tapos ng pag-aaral at may magandang career ay hindi pa rin puwedeng ihilera sa mga mayayaman.

“Come on. Tell me. Huwag mong sabihing hindi ka papayag dahil mahal na mahal mo ang anak ko? I know women like you. Ang habol mo lang sa kanya ay pera, wala ng iba.”

Good Lord, meron pala talagang ganitong klase ng tao?

She just met the older woman three days ago. Nagtaka siya nang ipasundo siya nito sa mga bodyguards nito at nag-abala pa itong makipagkita sa kanya sa isang restaurant na bihirang pasukin ng mga tao. It was not like she was expecting to have a heart-to-heart talk with the older woman regarding her relationship with her son Danny, but this setup is just too much for her. Nagmamadali pa naman siya kanina pa dahil late na siya sa pupuntahan niya pagkatapos ay ganoon lang ang mangyayari sa oras niya? No way!

After preparing a lot of materials for her presentation and after attending meetings with her prospective clients, which she couldn’t easily reschedule, all she wanted was to rest a bit and enjoy the rest of the day. Gusto naman niyang i-enjoy ang buhay niya. Hindi rin siya papayag na maapi siya ng isang gaya lang nito, lalo na at kaarawan pa niya, kaya hindi na siya nakatiis. Itinukod niya ang dalawang siko sa mesa at ipinatong ang baba niya sa mga kamay bago nagsalita.

“How about great sex? Hindi ko ba puwedeng isama iyon sa listahan ng kung ano’ng gusto kong makuha kay Danny?”

Nagitla ang ginang sa sinabi niya. Halatang hindi nito inaasahan na lalaban siya o magsasalita siya ng ganoon. Well, it was a normal reaction for her, to the real Melissa Alejo.

“And you know what? I doubt if you could afford the price I'll be giving you. But if you insist, well, I only accept cash and ten billion is my minimum charge.” Pagkasabi niyon ay tumayo na siya. Pero dahil umaandar pa rin ang kapilyahan sa isip niya, nilingon niya ito. “I believe Danny knows my account number,” aniya bago ito tuluyang iniwanan. 

...

0 comments:

Post a Comment

© 2011 The Chronicles of Cupid, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena