Cupid's Aim


(October 2014)

“I know we barely know each other. We don’t even consider each other as lovers. But I want you to be my wife, Eva.”

Nagulat si Eva nang marinig ang sinabi ni Danny. Hindi niya inaasahan na aalukin siya nito ng kasal. Alam naman kasi ni Eva na walang gusto si Danny sa kanya at inakala lang ng mga kakilala nila na may relasyon silang dalawa.

“May boyfriend ka ba?”

Saglit na napatingin uli si Eva kay Danny bago siya umiling.

Kanina pa siya tuliro at tila hindi mapakali. Malamang iniisip na ni Danny ang mga posibleng rason kung bakit siya tatanggi sa iniaalok ng binata.

Ang totoo, nais ni Eva na tanggapin ang iniaalok ni Danny na kasal dahil matagal na siyang may gusto sa binata kahit pa inakala ng marami na bading ito. Pero kakayanin niya bang makasama si Danny nang matagal at hintayin na kusang magkagusto rin ang binata sa kanya? O mas mabuting hayaan na lang niyang mapunta si Danny sa iba?

Nagdesisyon si Eva.

She made up her mind.

“Okay... I’ll marry you.”


Excerpt:


PROLOGUE

“Ulitin mo nga ang sinabi mo?” maang na tanong ni Elise sa kasalukuyang photographer niya na si Pheony.

Katatapos lang ng prenup pictorial nila ni Clint nang marinig nila ang isang impormasyon mula kay Pheony.

“Hindi bading si Danny,” sagot ni Pheony pagkatapos ay bale-walang iniligpit ang camera na hawak.

“So what are you saying? Danny’s suffering from narcissistic personality disorder?” kunot-noong tanong ni Clint habang nakatayo sa tabi ni Elise.

“Bakit mo naman nasabi `yan?” halos sabay na tanong nila ni Pheony.

“It’s possible. He wants constant attention, he is successful so he thought he deserves special treatment, and he’s arrogant,” sagot ni Clint.

“I disagree,” Elise said. Ngunit hindi niya maipaliwanag ang kanyang sagot.

Hindi rin kasi niya maiwasang titigan si Clint nang mabuti dahil tanging pulang tela at puting pakpak lang ang suot nito. Habang siya naman ay nakasuot ng puting gown na gawa sa manipis na tela.

Ang tema ng kanilang pictorial ay Cupid at Psyche. At ang dapat nilang pinagtutuunan ng pansin ay kung ano ang hitsura ng kanilang mga larawan. Ngunit hindi iyon magawa nina Elise at Clint dahil sa sinabi ni Pheony tungkol kay Danny.

“Hindi ko kayo masisisi kung pag-iisipan n’yo siya nang ganyan,” sabi ni Pheony. “Most people probably thought the reason he couldn’t find somebody to love was because he’s only in love with himself.”

“So... Nagsinungaling nga siya sa `kin?” tensiyonadong tanong ni Elise.

Danny was her best friend. Hindi man alam ni Elise ang lahat-lahat tungkol sa kaibigan ay inakala niyang kilalang-kilala na niya ito dahil sa naging “relasyon” nila noon. Ang sabi ni Danny noon ay kailangan nito ng magpapanggap na fiancée upang maitago ang katotohanan na bading ito. Tinulungan niya si Danny dahil inakala niyang totoo iyon, pero mukhang nagkamali siya.

“Hindi niya sinasadya iyon,” narinig ni Elise na kalmadong kumpirma ni Pheony na tila ba nauunawaan ang kanyang pagtatampo  “Meron lang talaga siyang rason kung bakit mas pinili niyang itago sa lahat ang totoo.”

“At panigurado may maiisip din siyang rason para hindi siya dumalo sa kasal ko,” naiinis na sabi niya.

Pilit na napangiti si Pheony. “Ano pa ba’ng aasahan mo, eh, pareho tayong nandoon? Isa pa, kung dadalo man siya siguradong magtataka lang ang mga bisita mo. Ang alam ng lahat ay nagkaroon kayo ng relasyon noon.”

“Wala akong pakialam sa sasabihin ng ibang tao dahil mas mahalaga na malaman ko kung bakit niya nagawang magsinungaling sa `kin!” naiinis na sabi niya.

Napilitan lang kumalma si Elise nang mapansin niyang nakatitig nang husto si Clint sa kanya. Ngunit mayamaya lang ay muli itong nagsalita.

“Ano’ng dahilan niya?” tanong ni Clint kay Pheony.

“Sorry. Pero kailangan ko ng umalis. Kanina pa kasi masama ang pakiramdam ko,” sabi ni Pheony sa kanila bago sila tuluyang iniwan.

Wala silang nagawa kundi ang sundan na lang ito ng tingin.

Now, they were both worried.

“If… my computation was right. I think I made a mistake less than a year ago,” nag-aalalang sabi ni Elise kay Clint bago siya tumingin dito.

Nakita niyang tila napapaisip din si Clint.

“We should do something,” seryosong sabi rin nito bago tumingin sa kanya.

0 comments:

Post a Comment

© 2011 The Chronicles of Cupid, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena