Cupid's Arrow


(May 2011)

Zack was Acky’s childhood friend. Madalas silang mapagkamalang magkapatid. Madalas pareho rin ang mga nakakahiligan nilang gawin at parehong marami ang nagkakagusto sa kanilang dalawa. The only difference they had was their belief on love. 

Zack was born romantic while Acky was realistic. Hindi man magkatugma ang mga paniniwala nila ay nanatiling magkaibigan pa rin silang dalawa. So there really was no reason for him to make her have the same belief about love. Ngunit bakit sa dami ng mga pinagdaanan nila ay hindi nila maiwan ang isa’t isa?


Excerpt: 


PROLOGUE

“Just in case you don’t know, archery is about hitting your target using an arrow and a bow. Kaya kung puwede lang tamaan mo naman sana ‘yang inaasinta mo,” paliwanag ni Zack.

Kanina pa napipikon si Clint dito. Nagpapaturo siya rito ng archery. Kababata ito ng kapatid niyang si Acky. The two were actually like Apollo and Artemis, especially on that field. Ngunit imbes na payuhan siya nito ay pulos pagyayabang lang ang naririnig niya mula rito.

Hindi niya kasalanan kung sumasablay man siya sa pag-asinta. Nasa Bow and Arrow sila—isang archery club na kilala na sa bansa. Baguhan siya sa larong archery pero hindi siya tanga. Kaya kahit pa sabihing baguhan siya sa larong iyon ay hindi na iyon kailangan pang ipamukha ni Zack sa kanya.

“Try it again. This time, concentrate,” utos nito sa kanya.

Kung wala lang lakad si Acky nang araw na iyon ay ito sana ang kasama niya. Ito ang humikayat sa kanya na maging miyembro ng nasabing club upang makakilala siya ng mga taong maaari niyang makasosyo sa eskuwelahang ipapatayo nila ng kanyang ama.

Hindi siya tulad nina Acky at Zack na kolehiyo pa lang ay miyembro na ng Bow and Arrow. Bukod sa mga taong posible niyang makilala at makasosyo ay napilitan na rin siyang pumunta roon para makapag-unwind kahit papaano.

Sunod-sunod ang kliyente ng architectural firm na pinagtatrabahuan niya pero wala siyang reklamo doon. Ang tanging pinoproblema lang niya si Elise.  

Magkaibigan sila ni Elise noong nasa kolehiyo pa sila ngunit nagkahiwalay sila na may samaan ng loob. Kung hindi pa niya ito nakitang nakikipagtawanan sa ibang lalaki ay hindi pa niya malalaman na mahal na pala niya ito. Pero hindi pa niya magawang makipagkita rito at aminin ang nararamdaman niya para dito. Naniniwala siyang may tamang panahon para doon.

Ngunit sa patuloy na pagmimintis niya sa larong iyon ay nadadagdagan lang ang inis niya. Mas pinili niyang manahimik na lang at ihanda ang sarili niya sa panibagong insulto na maririnig niya mula kay Zack.

Zack was about to say something to him when a girl with a black, short, straight hair, wearing a sunglasses, and a biker’s outfit, passed near them. He couldn’t help but notice and be amazed by how love hit Zack in a split-second. Hindi nito nagawang alisin ang tingin sa babaeng kadaraan lang.

'Looks like it’s my turn to teach him a lesson, he thought as he saw Zack run after the girl who caught his attention.

0 comments:

Post a Comment

© 2011 The Chronicles of Cupid, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena